Header Ads

Breaking News
recent

Breaking: 7-yrs. ang relasyon namin ni Sen. De Lima - Dayan


Iniharap sa media ni PNP chief Police Director General Ronald dela Rosa si Ronnie Dayan, ang dating driver/bodyguard at lover diumano ni Sen. Leila de Lima.

Ito'y makaraang maaresto kaninang alas-11:30 ng umaga si Dayan sa Sitio Turod, Barangay San Felipe, San Juan, La Union.

Bandang alas-5:30 nitong hapon nang dumating si Dayan sa Kampo Crame mula La Union at kaagad naman itong iniharap sa media.

Dito ay inihayag ni Dayan na hindi siya pinilit para sabihin ang kaniyang mga nalalaman kaugnay ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Bagama't hindi kinumpirma pero hindi rin itinanggi ni Dayan ang akusasyon ng mga tumestigong Bilibid inmates na siya ang bagman ni Sen. De Lima sa umano'y drug money na ginamit daw ng senador sa kampanya nito noong nakaraang halalan.

Ayon kay Dayan, kaniyang sasabihin ang lahat na nalalaman, sa pagharap niya sa Kongreso.

Inamin naman ni Dayan ang relasyon nila ni Sen. De Lima.

Pitong taon daw na tumagal ang kanilang relasyon ngunit kanila na itong tinuldukan noong 2014.

Ang huling ugnayan daw nila ni De Lima ay pagkatapos ng halalan kung saan pinasalamatan siya ng senador sa tulong nito.

Bagama't tumanggi muna si Dayan na idetalye kung ano ang tulong na kaniyang naibigay sa kampanya ng senador.

Samantala, nilinaw din ni Dayan na wala siyang protektor na nagtago sa kaniya.

Kusa raw siyang nagtago at katunayan ay nahirapan umano ang mga otoridad na mahuli siya dahil sa masukal ang bundok na pinagtaguan niya sa La Union.

No comments:

Powered by Blogger.