Header Ads

Breaking News
recent

Watch: Police Chief - 'OK sana kung buhay si mayor'



Hindi naitago ng hepe ng Albuera PNP ang labis na pagkadismaya sa pagkapatay ng PNP Criminal Investigation Group (CIDG) kay Mayor Rolando Espinosa sa loob ng Leyte Sub-Provincial Jail sa Baybay City.

Sa panayam ng kay C/Insp. Jovie Espenido, inihayag nito na hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman dahil naguguluhan siya ngayon kung ano ang sasabihin bunsod sa hindi niya maintindihan ang mga pangyayari.

Ipinapasa-Diyos na lamang daw nito ang mga pangyayari dahil nagawa na niya ang gagawin bilang alagad na batas batay sa nararapat na due process of law.

Idinagdag pa ng opisyal na mas mabubuwag sana nang tuluyan ang operasyon ng iligal na droga kung buhay si Mayor Espinosa.

Ngunit sa ngayon ay matutuwa na ang mga taong idinawit sa illegal drugs operation dahil patay na ang testigong magdidiin sa kanila.

No comments:

Powered by Blogger.