Header Ads

Breaking News
recent

Watch: VP Robredo -Marcos burial: Hiding it is like a shameful criminal deed


 Muling kinondena ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang tuluyan ng pagpapalibing ngayong araw kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa pinalabas na official statement ng bise presidente, binigyang-diin nito na ang pagtatago ng pamilya Marcos ng impormasyon sa mga Pilipino hinggil sa totoong araw ng libing sa dating pangulo ay ugali umanong tulad sa magnanakaw.

Malinaw din aniyang nilabag ng mga Marcos ang batas dahil hindi pa naman final at executory ang desisyon ng Supreme Court at kailangan pang maghintay ng 15 araw para sa resolusyon ng korte.

Naaalarma rin ang kampo ng bise-presidentei Robredo dahil nangyari aniya ang patagong paghahandang ito katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na napagpapakita lamang ng pagbabale-wala sa judicial process sa bansa.

Bagama't hindi na aniya ito bago dahil kagaya rin ito ng ginawa ng pamilya Marcos na pagtatago ng kanilang yaman at ng mga nangyaring pang-aabuso sa karapatang pantao noong Martial Law.

Muli ring iginiit ni Robredo na hindi bayani si Marcos dahil kung isa nga itong tunay na bayani, hindi itatago ng pamilya Marcos ang kaniyang libing ngayong araw.

"He is no hero. If he were, obviously his family would not have to hide his burial like a shameful criminal deed," ani Robredo.

No comments:

Powered by Blogger.