Watch: 'Dapat manatiling buhay si Kerwin' - Palasyo
Tiniyak ng Malacañang na may mananagot kung may masamang mangyari kay Kerwin Espinosa habang nasa kustodiya ng PNP.
Sinabi ni Communications Assistant Sec. Marie Banaag, mismong si Chief PNP Ronald dela Rosa ang tumiyak sa kaligtasan ni Espinosa matapos maibalik mula sa Abu Dhabi.
Ayon kay Asec. Banaag, ipinagdarasal din nilang maprotektahan nga ang nakababatang Espinosa na akusado sa illegal drug trade sa Visayas.
Pinakamainam daw na manatiling buhay si Kerwin dahil maraming nalalaman kaugnay sa sindikato ng iligal na droga sa bansa.
"Yes, 'yun actually ang ina-assure sa atin ni General Bato. And we pray na mapoprotektahan talaga kasi maraming... Well accordingly, sabi ni Kerwin marami siyang nalalaman tungkol sa sindikato ng droga sa bansa and it would be best na he stay alive. Tao din naman si Kerwin at gustong magbago," ani Banaag.
No comments: