Header Ads

Breaking News
recent

Breaking: Writ of habeas corpus suspension, idinepensa



Naniniwala ang MalacaƱang na may basehan ang Pangulong Rodrigo Duterte sakaling itutuloy nito ang bantang pagdedeklara ng suspensyon sa writ of habeas corpus laban sa iligal na droga.

Una ng iginiit ng mga Liberal Party (LP) senators na sina Bam Aquino, Leila De Lima, Franklin Drilon at Kiko Pangilan na walang basehan ang pagsuspinde ng writ of habeas corpus at hindi sapat na dahilan ang talamak na illegal drugs trade.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, ang problema sa iligal na droga ay napakalalim at napakalaganap kung saan makikita ang lawak nito sa makapal na listahan ng mga drug personalities na hawak ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Andanar, nababahala na ang Pangulong Duterte at nananawagan ng tulong ng lahat upang maresolba ang matinding problema sa iligal na droga.

Pero nilinaw na rin ni Andanar na ideya o plano pa lamang ang pahayag ni Pangulong Duterte at hindi pa tiyak kung totohanin nito ang bantang pagsuspinde sa writ of habeas corpus.

Kapag nasuspinde ang writ of habeas corpus, hindi obligado ang mga otoridad gaya ng PNP, AFP o NBI na ilabas o ilutang ang isang personalidad o akusado na inaresto o pinaniniwalaang dinukot.

"Ang problema natin sa droga ay napaka-lalim at napaka-laganap na kasi nitong problema. ‘Yung pinakita ni Pangulong Duterte na napaka-kapal na papel na nakalista doon ‘yung mga persons of interest ng iligal na droga. The President is so worried already. At ilang beses na rin binanggit ng Pangulo na kailangan niya ng tulong ng lahat at hindi niya ito magagawa ng mag-isa lang. So ‘yung pagbanggit po ng Pangulo ng suspension of the Writ of Habeas Corpus. I believe that this is pertaining to our problem, to our problem in the illegal drugs here in the country," ani Pangulong Duterte.

No comments:

Powered by Blogger.