Header Ads

Breaking News
recent

Look: 'Death wish' ni Marcos, mailibing sa LNMB


Inilabas na ng abogado ng pamilya Marcos na si Atty. Yvette Leynes ang last will and testament ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ayon kay Atty. Leynes, ang testamento ng dating pangulo ay binubuo ng dalawang pahina kung saan nakasaad sa unang pahina ang kahilingan na sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) siya ihimlay.

Pero hindi na idinetalye ng abogada ang nakasaad sa ikalawang pahina dahil sa confidential umano ang mga ito.

Ani Leynes, inilabas nila ang naturang testamento upang kontrahin ang sinasabi ng mga laban sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani na ang ibig sabihin daw ng LNMB ay Libingan ni Marcos sa Batac kung saan sa tabi raw ng puntod ng kanyang ina ang dapat na paglibingan sa kanya.

Samantala, sagot ng pamilya Marcos ang gastos sa pagsasagawa ng puntod na siyang paghihimlayan sa dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Benjamin Hao, nasa 60 porsyento nang tapos ang puntod.

Dagdag pa ni Hao, hanggang sa ngayon wala pa ring petsa ng libing ng dating pangulo at kung paano ang sistema ng biyahe mula sa Batac, Ilocos norte patungo sa Libingan ng mga Bayani.

Military honors ang ibibigay ng AFP kay Marcos bilang dating pangulo at sundalo.

No comments:

Powered by Blogger.