Header Ads

Breaking News
recent

Watch: dismissal kay Sen. Villanueva, Iniutos ng Ombudsman


Ipinag-utos na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsibak kay Sen. Joel Villanueva kaugnay sa maanomalyang paggamit niya ng kanyang pork barrel fund noong siya ay kongresista pa lamang.

Sinabi ni Morales na guilty ang dating Cibac party list representative sa "grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the interest of the service" na nag-ugat sa kanyang maling paggamit ng kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2008.

Dahil dito, inatasan ng Ombudsman si Senate President Aquilino Pimentel III na ipatupad ang dismissal order kay Villanueva.

Kaugnay nito, inirekomenda ng anti-graft body na isailalim sa paglilitis ang bagitong senador para sa kaso ng dalawang bilang ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019), Malversation of Public Funds at Malversation thru Falsification of Public Documents.

Kasama sa mga kinasuhan ay sina dating Department of Agriculture (DA) Secretary Arthur Yap, staff ni Villanueva na si Ronald Samonte, DA employee Delia Ladera, NABCOR representatives Alan Javellana, Romulo Relevo, Ma. Julie Villaralvo-Johnson, Rhodora Mendoza, at Maria Ninez Guanizo; at si Aaron Foundation Philippines, Inc. (AFPI) President Alfredo Ronquillo.

Batay sa nakasaad sa proyekto, gagamitin ang nasabing halaga ng PDAF allocation ni Sen. Joel sa pagbili ng seedlings ng pechay, radish, sitaw, okra, hybrid yellow corn, liquid fertilizers at threshers mula sa MJ Rickson Trading Corporation para sa mga residente sa Pantukan, Nabunturan, Tambongon, Bongabong, Napnapan, Mipangi, Anislagan at Magsaysay sa Compostela Valley province.

Ngunit lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na walang sinuman na nasa listahan ng mga benipisaryo ang registered voter o residente sa lugar.

Kinumpirma rin mismo ng mga lokal na opisyal na walang agri-based livelihood projects na naipatupad ang AFPI.

Liban pa rito at hindi rin daw angkop ang napiling lugar para sa proyekto sa pagsasaka dahil halos lahat ng lupain at sakop ng banana at coconut plantations.

Batay naman sa naging depensa ng mambabatas na dati ring naging TESDA director general, peke umano at "na-forge" ang kanyang mga pirma sa dokumento.

Nanindigan din si Villanueva na wala siyang natanggap na kickback sa pork barrel scam.

Bahala na rin daw si Pimentel sa dismissal order sa kanya mula sa  Office of the Ombudsman.

"This is an old case when I was a representative of CIBAC in Congress. As far as I can remember, as a minority congressman then, I did not receive that amount. In addition, the NBI has already made a conclusion that the signatures on the related documents were forged. One of the documents even used a Buhay partylist letterhead, when I was representing CIBAC partylist. I already filed a motion for reconsideration before the Ombudsman, and will leave it to the Senate President to act on the Ombudsman's order. In any case, my faith is strong in the judicial system and in time, justice will be served," wika ni Villanueva.

No comments:

Powered by Blogger.