Header Ads

Breaking News
recent

BREAKING NEWS: Marcos, inilibing na sa LNMB!



Inilibing na kaninang tanghali sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director C/Supt. Oscar Albayalde.

Ayon kay Albayalde, alas-9:00 nitong umaga nang inilipad mula sa Laoag City ang mga labi ng dating pangulo.

Alas-12:00 kaninang  tanghali ay inihimlay ang mga labi ni Marcos.

Sinabi ni Albayalde na magiging simple lang ang libing at military honors lang ang ibibigay kay Marcos.

Kung maalala, noong November 8 nang magpalabas ng kautusan ang Supreme Court na pinapahintulutan ang paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

No comments:

Powered by Blogger.