Watch: Palasyo - Sen. De Lima mabuting magbitiw na lang
Pinayuhan ngayon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Sen. Leila de Lima na magbitiw na lamang ito sa pagkasenador.
Payo ni Atty. Panelo matapos ang pag-amin ni Sen. De Lima na nagkaroon ito ng relasyon sa kanyang driver/bodyguard na si Ronnie Dayan.
Sinabi ni Panelo, layunin ng kanyang resignation na mailigtas ang Senado mula sa kahihiyan at wala daw ibang sisihin si De Lima sa kinasasadlakan nitong problema kundi ang kanyang sarili.
Ayon kay Panelo, ang pag-amin ni De Lima na pakikipagrelasyon sa may-asawang lalake ay pagpapatunay sa alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa umano'y pagiging immoral ng senadora at paglabag sa batas.
Magpapalakas din umano ito sa kinakaharap ni De Lima na kasong may kinalaman sa illegal drug operations.
Inihayag ni Panelo na sa pag-amin ni De Lima, maaring sumailalim ito sa expulsion proceedings ng Senate Ethics Committee dahil sa immorality and grave misconduct in office at disbarment proceedings para matanggalan ng lisensya sa pagka-abugado.
"The admission by De Lima on her romantic albeit illegal and moral liaison with her bodyguard-driver validates the accusation of PRRD's that the senator committed unlawful and immoral acts and opens her to a criminal charge of adultery her lover being a married man. It strengthens the case filed against her on her involvement in the drug operations. It opens her to expulsion proceedings in the Senate by the Senate Ethics Committee for immorality and grave misconduct in office apart from opening herself to a disbarment proceedings as a member of the bar for immorality and unethical conduct. To save the Senate from further embarrassment she must voluntarily resign. She has herself to blame for the present destructive predicament she is in. With her aforesaid admission President Duterte has been vindicated on his accusations against De Loma and put a lie to her pretended protestations of innocence and her cry of being a victim of persecution," ani Panelo.
No comments: