Header Ads

Breaking News
recent

Vargas Trainer - 'Pacquiao is in big trouble'


Ilang oras bago ang laban, nagyabang ang trainer ni WBO welterweight champion Jessie vargas (27-1, 10 KOs) na si Dewey Cooper na delikado umano sa kanyang alaga ang eight division world champion na si Manny Pacquiao (58-6-2, 38 KOs).

Ayon kay Cooper, isang American kickboxer na dating lumaban sa cruiserweight at heavyweight divisions, napakalaki ng ipinagbago ni Vargas mula nang maging kampeon noong buwan ng Marso nang pabagsakin si Sadam Ali.

Partikular na ipinagmalaki ni Cooper ang lalo pang paglakas ng mga suntok ni Jessie.

Nasa limang magagaling na sparring partners umano ang tumulong kay Vargas upang mahasa nang husto ang kahandaan nito sa pagharap sa Pinor ring icon.

Dahil dito, nanganganib umano ang katayuan ni Pacman sa kamay ni Vargas.

"Manny is in big trouble," ani Cooper.

Giit ni Cooper, ayaw daw niyang maririnig na kung matalo si Manny ay dahil sa edad nito na 37-anyos o kaya kulang sa training.

Aminado ito na sa huling laban ni Pacman kontra kay Timothy Bradley ay ito ang pinakamagaling na Pacquiao na kanilang nakita.

Dagdag pa ng trainer, hindi lamang ang kanang kamay ang pamatay ni Jessie kundi maraming pang ibang diskarte.
  
Si Cooper, 41, na tinagurian ding alyas Black Kobra sa mixed martial arts, ay two-time world champion noong 2000 nang makuha ang korona sa heavyweight at cruiserweight.

No comments:

Powered by Blogger.