Breaking News: Kerwin - P8-Million naibigay ko para kay Sen. De Lima.
WeNewsPH ➤➤ Inilahad ng umano'y drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa, kung paano ito nagbigay daw ng drug money kay noon ay Justice Secretary at ngayon ay Sen. Leila de Lima para gamitin sa pagtakbo nito bilang senador.
Sa pagharap sa pagdinig ng Senado kaugnay sa pagkamatay ng kaniyang amang si Albuera Mayor Rolando Espinosa, sinabi ni Kerwin na August 2015, tinawagan siya ni Albuera Police chief Jovie Espinido na gusto siyang kausapin ng driver at bodyguard ni De Lima na kilala ring Bodyguard at Lover na si Ronnie Dayan➤➤➤.
Nasa Anilao, Batangas siya nang tumawag sa kaniya ang driver ni De Lima na noong una ay hindi pa umano nagbanggit ng pangalan.
Ipinarating ng driver na pinapasabi raw ni De Lima na kailangan nito ng pondo para sa eleksyon.
Inihayag ni Kerwin na hindi kaagad siya pumayag at sa halip ay tinawagan ang mga kasama sa illegal drug trade na sina Jeffrey Diaz at Tony Co upang kumpirmahin kung totoong magbibigay daw ng proteksyon si De Lima.
Ayon kay Espinosa, pinatotohanan naman ito nina Jaguar at Co bagama't pinayuhan siya na ano man ang mapag-usapan ay itago na lang.
Pagkatapos ng dalawang araw, muli raw tumawag kay Espinosa ang driver ni De Lima.
Sinabi raw ng driver na pinaparating ni De Lima na dapat magbigay si Kerwin ng P2 million bawat buwan.
Ngunit hindi raw ito kaya ni Kerwin kaya tumawad siya hanggang sa nagkasundo sa P700,000 kada buwan.
Pumayag naman daw si De Lima sa P700,000 pero kailangan daw niyang magbigay ng goodwill money na P2 million.
Ayon sa nakakabatang Espinosa, ang unang transaksyon nila ng driver ni De Lima ay naganap sa parking lot ng Mall of Asia.
Sinabi pa raw ng driver na pinapasabi ni De Lima na bago ang eleksyon ay dapat na makapagbigay siya ng P8 million.
Naganap naman ang pangalawang transaksyon sa restaurant ni Claire dela Fuente sa Macapagal kung saan nagbigay daw siya ng P1.7 million sa driver ni De Lima.
Binubuo raw ito ng P1000 bills na kaniyang inilagay sa plastic at isinilid sa paper bag.
Dito na umano niya tinanong ang pangalan ng driver na nagpakilala namang siya si Ronnie Dayan.
Bagama't nagkaroon daw ng kaunting duda si Kerwin kung napupunta ba talaga kay De Lima ang ibinibigay niyang pera kaya hiniling niya kay Dayan na kung maari ay makausap niya ito o makita na magkasama ang driver at ang senador bilang patunay.
Sinabi raw ni Dayan na magtatakda ito ng petsa kung kailan sila magkikita na siyang naganap sa Baguio dahil hindi raw sila maaring magkita sa Manila bunsod ng marami umanong mata na nakabantay.
Ayon kay Kerwin, Nobyembre 2015 nang maganap ang pagkikita nila ni De Lima sa Burnham Park sa Baguio kung saan ibinigay niya rin ang pangatlong tranche ng pera na nagkakahalaga ng P2 million.
Itinuro lang daw siya ni Dayan kay De Lima gamit ang kaniyang codename na Batman at nagpakuha ng larawan kasama ang kalihim noon ng Department of Justice.
Inulit daw niya kay De Lima na naibigay na niya ang pera kay Dayan pero wala silang napag-usapan ng senador.
Noong February 2016 ay muli raw nagbigay ng pera si Kerwin kay De Lima sa pamamagitan ni Dayan, na nagkakahalaga ng P2.3 million.
Naganap daw ang abutan ng pera sa parking lot ng Mall of Asia.
No comments: