Breaking: Pacquiao historic win, kampeon uli!
Muling nagtala ng panibagong kasaysayan si Manny Pacquiao matapos na talunin si Jessie Vargas sa pamamagitan ng unanimous decision at tinanghal ngayon bilang kauna-unahang senador na kampeon sa boxing sa buong mundo.
Napasakamay ni Pacman ang korona ni Vargas na World Boxing Organization (WBO) welterweight belt na dati niyang hawak pero nasungkit noong nakaraang taon ni Floyd Mayweather Jr.
Kabilang sa highlight sa 12 rounds championship fight na ginanap sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada ay nang pabagsakin ni Manny ang American-Mexican sa second round.
Dumugo rin ang kaliwang kilay ni Jessie.
Halos 17,000 ang crowd na nanood sa loob ng venue na halatang karamihan sa mga fans ay pro-Pacquiao na ilang beses na isinisigaw ang "Manny! Manny!"
Kabilang sa nanood ay ang retired at unbeaten champion na si Floyd Mayweather, Jr. na kasama ang anak.
Batay sa ipinakitang performance ni Pacman, muli niyang ipinamalas ang bentahe sa liksi, bilis at lakas na walang kasagutan mula kay Vargas.
Ang ipinagmamalaking overhand right ni Vargas ay hindi rin umubra bagamat may ilang solidong tumama sa Pinoy ring icon, kayang kaya naman itong indahin ng senador.
Muli rin namang nasilayan ng mga fans ang ring savvy ni Pacman na iba talaga ang kanyang lebel kumpara kay Vargas, 27.
Nandoon pa rin ang vintage footwork ng 37-anyos na eight division world champion.
Bilang reaksiyon sinabi ni Vargas na sobrang close ang naging laban nila ng Filipino ring icon.
Para aniya itong laban sa chess at nagulat siya sa bilis ng senador.
"I think it was a very close fight. It was a chess match. We were on our toes. His speed surprised me at start," ani Vargas.
No comments: