Header Ads

Breaking News
recent

Look: PNP walang data ng kidnapping simula ng maupo sa pwesto si Pang. Duterte


Kinumpirma ni National Capital Region Police (NCRPO) director, CSupt. Oscar Albayalde na wala silang natanggap na report na may insidente ng kidnapping o pagdukot sa kalakhang Maynila lalo na sa Binondo, simula ng maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Albayalde na sa ginawang initial verification ng Manila Police District (MPD) sa PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) ay wala din itong naitalang insidente ng kidnapping simula ng nagbago ang administrasyon.

" We will check and validate the info although as of now wala kaming natatanggap na report re alleged kidnapping since the assumption of Pres. Rodrigo Duterte," wika ni Albayalde.

Pero siniguro ni Albayalde na gagawin nila ang lahat para ma-validate ang ibinunyag na impormasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinunyag kasi ng pangulo na anim na insidente ng kidnapping ang naganap sa Binondo, Manila sa loob lamang ng tatlong linggo.

Pahayag ni Albayalde na mayroon na silang kaukulang mga hakbang na ginagawa para maaksiyunan ito.

Ayon sa heneral may mga efforts na rin silang ginagawa ngayon para makipag-usap sa Chinese community.

Aniya, sa Lunes nakatakdang pulungin ng NCRPO ang Chinese community sa Binondo.

" As per MPD, initial verification with AKG also yielded negative. However, we will still validate the info of the pres and act on it accordingly. We already have efforts to talk to the Chinese community on Monday," mensahe ni NCRPO chief.

No comments:

Powered by Blogger.